Guia Gomez, Janella Estrada panalo sa San Juan

 

Ipinroklama na ng City Board of Election Inspector ng San Juan City bilang panalong alkalde ng San Juan City ang reelectionist mayor ng lungsod na si Guia Gomez.

Nakakuha ng kabuuang 28,828 votes si Mayor Gomez, samantalang 27, 604 naman ang nakuha ng nakalaban nito sa pagka-alkalde na si Francis Zamora.

Si Zamora ang kasalukuyang bise-alkalde ng San Juan.

Bukod kay Gomez, idineklara ring panalo sa pagka-bise alkalde si Janella Estrada na konsehal naman ng San Juan City.

Sa ngayong, patuloy ang selebrasyon ng mga taga-suporta ng dalawa sa pagkapanalo ng dalawang miyembro ng Ejercito-Estrada clan.

 

 

Read more...