Sen. Bong Go pursigido sa ‘one college graduate per family’

Para patunayan ang pagpapahalaga sa edukasyon, sinabi ni Senator Christopher Go na pagsusumikapan niya na sa bawat pamilyang Filipino ay may makakapagtapos ng kolehiyo.

Kasunod nito, sinabi ni Go na ipagpatuloy niya ang pagtupad sa pangako ni Pangulong Duterte na magkaroon ng dekalidad na edukasyon ang mga mahihirap na estudyante.

“Ang edukasyon ang tanging puhunan natin sa mundong ito. Kaya sisiguraduhin nating makakapagtapos ng pag-aaral ang ating mga anak upang magkaroon ng  mas maginhawang kinabukasan,” sabi ng senador.

Nangako din ito na sakaling mahalal na kasunod ni Pangulong Duterte dadagdagan niya ang mga programa para magkaroon ng pantay na oportunidad sa dekalidad na edukasyon ang lahat.

Sinabi pa nito na dapat suportahan ang mga mag-aaral at magulang sa iba pang mga gastusin sa pag-aaral bukod pa sa matricula.

“Huwag nating hayaan hindi makapagtapos ang mga bata dahil sa hirap sa buhay,” diin nito.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga mag-aaral na magpatuloy lang sa pag-aaral sa kabila ng nararanasang krisis pangkalusugan sa bansa.

Read more...