Labis na ikinalugod ng PASAHERO partylist group ang pagbawi ng gobyerno ng ‘mandatory use’ ng face shield sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila at mga lugar na nasa Alert Levels 1, 2, at 3.
“This provides welcome relief to commuters and passengers who have been forced to wear face shields for more than a year now despite the lack of medical and scientific proof that these plastic coverings are effective in preventing the spread of COVID,” sabi ni PASAHERO spokesman Atty. Homer Alinsug.
Kamakailan, inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan sa mga low risk areas ay hindi na mandatory.
Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Duterte na voluntary na lang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Levels 1, 2 at 3.
Gayunpaman, nagbilin si Alinsug sa mga pasahero na istrikto pa rin sumunod sa minimum health and safety protocols sa lahat ng mga public transport facilities, lalo na ang pagsusuot ng mask.
“We wish to remind commuters that the coronavirus is still around that’s why it is important that we continue with proper use of face maskm regular disinfection and physical distancing,” dagdag pa nito.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng Passengers and Riders Organization Inc., napakahalaga ng mga komyuter sa ekonomiya kaya napakahalaga na nanatili silang ligtas.
Una nang inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ang PASAHERO na kabilang sa mga partylist na pagpipilian sa May 2022 elections.