P10M dagdag sa TESDA budget hiniling nin Sen. Win Gatchalian para tugunan ang ‘skills – jobs mismatch’

Inihirit ni Senator Sherwin Gatchalian na madagdagan ng P10 milyon ang alokasyon sa pondo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para matugunan ang isyu ng ‘jobs-skills mismatch’ sa hanay ng Technical-Vocational Education and Training (TVET) graduates.

Ang karagdagang pondo na nais ni Gatchalian ay ilalagay sa Promotion, Development, Implementation, Monitoring, and Evaluation of Technical Education and Skills Development Scholarships at Student Assistance Programs ng TESDA.

Sa inilabas na datos ng Asian Development Bank (ADB) sa mga taong 2013, 2014 at 2017, timataya na ang mismatch rates sa hanay ng TVET graduates ay nasa pagitan ng 60% – 80%.

Noong 2017, lumabas na 70% ng TVET graduates ang nagka-trabaho na walang kinalaman sa natapos nilang kurso o programa.

“I would like to request from TESDA a strategy to address the jobs-training mismatch. This is a cause for concern because we are allocating P14 billion pesos for training but if those being trained will not end up getting a job that they are trained for, then that’s a big problem,” ang banggit ni Gatchalian sa deliberasyon ng 2022 TESDA budget sa Senado.

Hiniling din ni Gatchalian na pataasin ng TESDA ang enrollement sa mga enterprise-based TVET programs, na mula 2014 hanggang 2020 ay apat na porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng enrollment.

Read more...