Ikinadismaya ng labis ni Senator Leila de Lima ang pagsuspindi ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa pag-iimbestiga ukol sa ‘crimes against humanity’ na kinasasangkutan ni Pangulong Duterte.
Naniniwala ang senadora na hiniling ng administrasyong-Duterte ang suspensyon para maantala ang imbestigasyon.
“The ICC Prosecutor must know that none of the purported domestic investigations, including the DOJ’s review process conducted under the aegis of A.O. 35 targets or involves Duterte himself, the top suspect or the person most responsible for these crimes,” sabi pa nito.
Sinabi ni de Lima na umaasa na lamang ito na hindi mahuhulog sa ‘trap’ ang ICC prosecutor para masira ng mga sangkot ang ebidensiya sa pagkukunwaring payag na maimbestigahan sila.
Umaasa na lamang ito na pinag-aaralan pa rin ng ICC prosecutor kung tunay na may basehan ang hiling ng gobyerno.
“We simply have to repose our trust in the Office of the ICC Prosecutor and the ICC institutional mechanisms to achieve true and complete justice for the victims of Duterte’s crimes against humanity,” dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Social Justice.