Bumisita si Senator Panfilo Lacson sa Pagasa Island para alamin ang sitwasyon at kalagayan ng ating mga kababayan.
Ibinahagi ni Lacson na bago pa man lumapag ang sinasakyan nilang eroplano nakatanggap na sila ng ‘radio challenge’ mula sa Chinese Coast Guard.
At nang makababa naman na sila ay nakabasa siya ng text message na ‘Welcome to China,’ na aniya ay pambihira.
Muling iginiit ni Lacson ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ‘balance of power’ sa rehiyon at walang magagawa ang Pilipinas kung hindi mapapagtibay ang pakikipag-alyansa sa European Union, US, Australia, Japan at Canada gayundin sa iba pang miyembro ng ASEAN.
Ibinahagi din nito nan ang makausap niya si AFP Western Command commander, Lt. Gen. Enriquez Ito, napag-usapan nila ang sitwasyon at hinikayat niya ito na kumbinsihin ang pambansang liderato na pagtibayin ang pakikipag-relasyon sa mga makapangyarihang bansa.
“Kasi we’re so helpless. Parang ‘Welcome to China,’ tapos being challenged by a Chinese Coast Guard vessel, parang we’re encroaching on their territory. Ang incident sa Ayungin is unacceptable,” diin ng senador.
Dapat din aniya ipadama ng pambansang pamahalaan sa mga residente ng isla ang paninindigan na ipaglalaban ang sobereniya ng bansa.