Nasawi ang dalawang pulis at apat sa kanilang kasamahan ang nasugatan sa pananambang ng mga hinihinalang rebelde sa Gamay, Northern Samar.
Nabatid na ang dalawang nasawi ay kapwa bagitong pulis at sumasailalim sa Commando Course ng Special Action Force (SAF).
Nangyari ang insidente alas-7 ng umaga kanian sa Barangay Lonoy matapos matimbrehan ang mga pulis sa presensiya ng mga armadong indibiduwal sa lugar.
Sinabi ni PNP Chief Dionardo Carlos na agad rumesponde ang PNP Air Unit samantalang sumaklolo na rin ang mga tauhan ng 803rd Brigade ng Philippine Army.
Tiniyak ni Carlos na magpapatuloy ang pagtugis nila sa mga rebelde sabay pagkondena sa pag-atake sa kanyang mga tauhan.
Pinadagdagan na rin niya ang checkpoints sa lugar para mapigil ang pagtakas ng mga rebelde.