Kapwa kandidato sa pagka-pangulo sina Go at Pacquiao.
“Katulad ng sinabi ko noon, kung ako ang tatanungin at kung ‘yan ang gusto ng taumbayan – anytime, anywhere ay willing naman ako na magpa-drug test,” sabi ni Go.
Samantala, sinabi ni Pacquiao na dapat ay gawing ‘mandatory’ ang drug test sa sinuman na magta-trabaho sa gobyerno, elective or appointed.
“I am willing to undergo drug test anytime and anywhere. Sana ganyan din ang ating mga kapwa kandidato. Mas maganda kung hair follicle test para mas sigurado,” dagdag pa ni Pacquiao.
Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, na isa rin presidential candidate, nakakatiyak siya na hindi siya ang tinutukoy ni Pangulong Duterte.
“Except to say, I am 1,000% sure he was not referring to me – I have no comment,” ayon kay Lacson.
Sigurado din si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi siya ang kandidato na sinabi ni Pangulong Duterte na gumagamit ng cocaine.
Giit niya kahit minsan ay hindi siya tumikim ng kahit anong uri ng droga.