Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na ang voting period sa naturang mga presinto ay hanggang alas sais ng gabi imbes na matatapos ng alas singko ng hapon.
Pero iginiit ni Bautista na ang extension ay ipapatupad lamang na case to case basis o para lang sa mga lugar na nagka-aberya ang mga Vote Counting Machines. Sa Comelec Resolution No. 10088, ang oras ng botohan ay mula alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Una nang nag-ulat ang ilang poll watchdogs na ilang polling precincts sa buong bansa ang nakaranas ng problema sa mga Vote Counting Machines kabilang ang pag-reject sa mga balota at paper jam.