Sa tweet ni Jimenez, sinabi nito na kailangan niyang makausap sina Bernardo at Padilla na parehong kilalang supporters ng administration bets na sina Mar Roxas at Leni Robredo.
Ang tweet ni Jimenez ay mahigit 4,800 ng na-retweet at marked as favorite ng mahigit 6,000 users. Una ng sinabi ng Legal Network for Truthful Elections (Lente) na ang ginawa ng dalawang young celebrities ay iligal at paglabag sa Section 195 ng Omnibus Election Code.
Binatikos ng netizens ang picture ng “Kathniel” habang hawak ang kanilang balota matapos silang bumoto. Nag-viral sa social media ang pictures ng loveteam na mga first time voters.
Makikita sa picture ng dalawa na hawak ang kanilang balota na ayon sa netizens ay malinaw na paglabag sa election law. Ilang beses na kasing ipinaalala ng Comelec na bawal na bawal ang pagdadala ng cellphone sa loob ng polling places at lalong bawal na kunan ng larawan ang balota. Si Kathryn ay bumoto sa North Susana sa Quezon City, habang hindi naman nabanggit kung saan bumoto si Daniel.