Isang presidential candidate adik sa cocaine

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo ng bansa ang adik sa cocaine.

Sa talumpati ng Pangulo Oriental Mindoro, anak ng mayaman ang naturang kandidato.

Gayunman, hindi tinukoy ng Pangulo kung sino ang naturang kandidato.

“May — may kandidato tayo na nagko-cocaine ‘yan, iyang mga anak ng mga mayaman. Kaya ako nagtaka ako, anong nagawa ng — anong nagawa ‘yung tao na ‘yun? I’m just asking. Ano, anong, anong — what contribution has he made pala sa Pilipinas? Iyan lang, gusto ko lang tanungin ang ano,” pahayag ng Pangulo.

Tanong ng Pangulo, bakit kailangang suportahan ang naturang kandidato na wala namang nagawa.

“Ano? Bakit ang Pilipino parang lokong-loko na supporting…? Magtanong lang ako sa inyo. Ano ang ginawa niyan? Nagdodroga ‘yan ng — cocaine ang tirada niya. Itong anak ng mga mayayaman, lahat dito sa Maynila pati sa Davao isang grupo ‘yan, tirada niyan cocaine,” pahayag ng Pangulo.

Paglilinaw ng Pangulo, hindi siya nang-iintriga.

“I am not — hindi ako nag-iintriga. Bahala kayo. Find out sino. Kayo magtanong kayo sa Davao kung may kilala kayo. Ang mga taga-Maynila, iyong mga mayayaman talaga. May-ari ng biggest banana plantation. Nagtaka ako sa Pilipino bigla na lang nag… Hindi ako naiinggit. Eh pulitika naman may manalo, may matalo. Ganoon rin ako noon. Eh kung walang suwerte, ‘di wala. Pero itong fascination nila sa itong kandidato na ito, baka hindi talaga nila alam,” pahayag ng Pangulo.

 

 

Read more...