Nakakalula na ayon kay Senator Imee Marcos ang halaga ng mga abono at sumabay pa ito sa panahon ng pagtatanim ng mga magsasaka.
Bunga nito, hiniling na ni Marcos sa Department of Agriculture (DA) na gumawa na ng mga paraan para masoklolohan ang mga magsasaka.
Babala ng senadora, sa pagtaas ng gastusin ng mga magsasaka ay tataas din ang presyo ng kanilang mga produkto at sa dakong huli ay mga konsyumer na ang tatamaan.
Sinasabayan pa aniya ito ng mataas na presyo ng mga produktong-petrolyo kayat may dagdag gastos din sa irigasyon at transportasyon ng mga produktong-agrikultural.
“Current fertilizer prices are burying local farmers deeper in debt even before they can press their rice seedlings into the ground, while at harvest time cheap rice imports keep farmgate prices extremely low,” dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs.
Hinanap ng Marcos ang pondo para sa pagbibigay subsidiya para sa abono at aniya dapat ay ipinamamahagi ito sa mga magsasaka bago pa man ang panahon ng pagtatanim.
Diin nito naturingan na agrikultural na bansa ang Pilipinas ngunit umaasa sa mga imported fertilizer.