160 ang naitalang election related incidents ng PNP

Kuha ni Mariel Cruz
Kuha ni Mariel Cruz

Pumalo na sa isandaan at animpung insidente na may kinalaman sa eleksyon ang naitala ng Philippine National Police simula January 10 hanggang May 8.

Sa joint press briefing ng PNP at Armed Forces of the Philippines dito sa Camp Crame, inilatag ni CSupt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng pambansang pulisya ang nasabing bilang ng mga election related incident sa bansa.

Sa 160 election related incidents, dalawampu’t siyam dito ang na-validate na ng PNP kung saan animnapu’t walo katao ang naging biktima kasama na ang labing lima na nasawi.

Samantala, umabot na sa mahigit apat na libong katao ang naaresto ng PNP dahil sa umiiral na election gunban na ipinatupad ng Commission on Elections na pawang mga sibilyan.

Nakakumpiska naman ng aabot sa 3,420 firearms, 38, 673 deadly weapons at 36,777 ammunitions.

Sa mga lumabag naman sa dalawang araw na liquor ban, naaresto ns ng PNP ang aabot sa isandaan at pito katao.

Sinabi rin ni Mayor na patuloy pa rin na nasa full alert status ang pambansang pulisya hanggang sa araw na maipoproklama na ang mga mananalo.

Pahayag pa ni Mayor, gagawin nila ang lahat upang manatiling ligtas at matibay ang seguridad at integridad ng eleksyon ngayon taon.

Kasabay nito, hinihikayat ni Mayor ang publiko na sumunod sa alituntunin ng PNp at ng iba pang law enforcement agencies.

 

 

Read more...