Kahon ginamit munang lagayan ng balota sa eskwelahan sa Daraga, matapos magkaproblema ang VCM

Nagkaproblema ang vote counting machine sa Ilawod Elementary School sa Daraga Albay.

Kuha ni Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Alas 9:45 ng umaga nang masira ang VCM at ayon kay Janice Bintancur, Chairmanperson ng Board of Election Inspector (BEI), itinawag na nila sa Comelec ang problema para hilingin na mapalitan ang makina.

Dahil sa mahaba na ang pila, nagpasya ang BEI na pabotohin na rin ang mga botante.

Gayunman sa halip na ipasok sa VCM ang mga balota inilalagay na muna ang mga ito sa kahon.

Ang ginagamit na kahon para paglagyan ng balota ang siyang pinagsidlan ng VCM.

Aabot sa mahigit 700 botante ang nakarehistro sa ilawod Elementary School.

 

Read more...