Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.13 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.13 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,139,721 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 787,984.

Sumunod na rito ang Brazil na may 611,898 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 464,623 naman ang death toll sa India habang 291,573 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 259,084
– Peru – 200,741
– Indonesia – 143,698
– United Kingdom – 143,360
– Italy – 132,965
– Iran – 128,531
– Colombia – 127,912
– France – 118,321
– Argentina – 116,313

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 255,753,470 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 231,167,671 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...