Kampo ni Moreno, kumpiyansang magiging bahagi ng kanilang team si Vince Dizon

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Kumpiyansa ang kampo ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na magiging bahagi rin ng kanilang campaign team si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Vince Dizon.

Tugon ito ni Lito Banayo, campaign manager ni Mayor Isko sa pahayag ng Palasyo ng Malakanyang na nanatiling working Cabinet member ni Pangulong Duterte si Dizon.

Ayon kay Banayo, mahalaga ang papel na ginagampanan ni Dizon para matugunan ng pamahalaan ang pandemya sa COVID-19.

Iginagalang aniya ng kampo ni Mayor Isko na ipagpatuloy pa ni Dizon ang kanyang trabaho.

Gayunman, sinabi ni Banayo na tiyak nang sasama sa kanilang kampanya si Dizon sa mga susunod na araw.

Una nang ibinunyag ni Banayo na bahagi na ng campaign team ni Mayor Isko si Dizon, bagay na pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang.

Oktubre 15 nang magbitiw si Dizon bilang presidente ng Bases Conversion and development Authority (BCDA) para matutukan ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Read more...