Pag-‘ober da bakod’ ni COVID 19 testing czar Vince Dizon kay Manila Mayor Isko Moreno itinanggi ng Palasyo

Pinabulaanan ng Malakanyang na bahagi na ng campaign team ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso si COVID 19 testing czar Vince Dizon.

“There is no truth to the reports circulating that Secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon allegedly joined the campaign team of a presidential aspirant,” sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Aniya nananatiling miyembro ng gabinete si Dizon at ito pa rin ang presidential adviser for COVID 19 response.

Pagdidiin pa ni Nograles, naka-focus pa rin si Dizon sa vaccination rollout ng gobyerno at hindi sa pangangampaniya ng sinomang kandidato.

Unang ibinahagi ni Lito Banayo, chief campaign strategist ni Domagoso, na sumama na sa kanilang grupo si Dizon.

Sinabi pa nito na ang titulo ni Dizon sa kanila ay deputy campaign manager at namuuno sa kanilang statistical research.

Kamakailan ay nagbitiw si Dizon bilang presidente ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) bagamat nanatili siyang bahagi ng pagtugon ng grupo sa pandemya.

Read more...