Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 17), pumalo na sa 2,820,494 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 23,846 o 0.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,190 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
58.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.2 porsyento ang asymptomatic; 19.60 porsyento ang moderate; 12.0 porsyento ang severe habang 5.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 309 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 46,117 o 1.64 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,759 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,750,531 o 97.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.