Pilipinas, sarado pa sa mga dayuhang turista – BI

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na sarado pa ang Pilipinas sa mga dayuhang turista.

“The country remains closed to foreign tourists. Only those under the allowed categories as set by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) if coming from green or yellow countries may be admitted to enter,” pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente.

Patuloy aniyang ipagbabawal ng ahensya ang pagpasok ng mga dayuhang turista hanggang magdesisyon ang gobyerno na alisin ang travel ban.

Sa ngayon, tanging mga Filipino, balikbayan at dayuhang may valid visas ang pinapayagang makapasok ng bansa.

Sa mga nais bumiyahe sa Pilipinas sa ilalim ng tourist visa, maaring mag-apply ng temporary visitors’ visa at entry exemption document (EED).

Ani Morente, handa ang BI sakaling muling buksan ang bansa sa mga dayuhang turista.

“We advise the public to refer to our website and social media pages to keep themselves updated on our latest advisories on guidelines and requirements for international travelers,” saad nito.

Read more...