Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 255.09 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 255.09 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 255,099,514 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 48,161,377 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,466,598 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,965,684 naman ang kaso sa Brazil habang 9,637,190 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,145,912
– Turkey – 8,457,119
– France – 7,310,664
– Iran – 6,051,642
– Argentina – 5,308,781
– Germany – 5,108,904
– Spain – 5,061,045
– Colombia – 5,036,287

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,129,836 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 230,635,391 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...