Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang rollout ng E-Services kiosks.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay para mailapit sa mamamayan ng lungsod ang serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Matatagpuan ang E-Services kiosks sa District Action Offices sa mga business centers sa malls at mga barangay.
Nabatid na ang E-Services kiosks ay isang Business One Stop Shop kung saan maaring gamitin para sa pagpaparehistro sa QCitizen ID, QC Vax Easy, pag-apply sa Occupational Permit, Health and Sanitary Permit, pag-apply sa Pangkabuhayang QC at Kalingang QC (for business), pagbabayad sa Real Property Tax, pag-apply sa Persons with Disability Affairs Office ID at Office of Senior Citizens Affairs ID.
Sinabi pa ni Belmonte na ang naturang programa ay bahagi ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
“Here in Quezon City, we want to bring our services closer to the people so they don’t have to come to city hall to do their transactions, they can just do them online or through our kiosks. We value their business, and we value their time,” pahayag ni Belmonte.
Kasama ni Belmonte sa rollout ng E-Services kiosks sina Anti-red Tape Authority Director-General Atty. Jeremiah Belgica at QC Business Permits and Licensing Department head Margarita Santos.