Meeting ni Pangulong Duterte sa 100 kongresista, ‘chillax’ lang

Kinumpirma ng Malakanyang na nakipagpulong si Pangulong Duterte kagabi sa may 100 miyembro ng Mababang Kapulungan.

 

Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, ‘informal and relax’ ang pulong at karamihan naman sa mga dumalo ay mga kaibigang mambabatas ng Punong Ehekutibo.

 

Dagdag nito ang pulong ay naging oportunidad na rin para kay Pangulong Duterte na makaharap ang mga kaibigan mula sa Mababang Kapulungan.

 

Karamihan sa mga ito ay hindi na nakausap o nakaharap ni Pangulong Duterte dahil sa pandemya.

 

Dagdag pa ni Nograles na ang pakikipagkita ni Pangulong Duterte sa mga kaibigan at kaalyado ay masusundan sa mga susunod na araw habang bumababa ang bilang ng COVID 19 cases.

Read more...