Maaring makapili ang health workers ng nais nilang COVID 19 vaccine brand na nais nilang ‘booster shot,’ ayon sa Department of Health (DOH).
Paliwanag pa ng DOH, ito naman ay nakasaadsa guidelines sa pagtuturok ng booster doses sa mga healthcare workers na nasa ilalim ng A1 priority group.
Ngayon ang unang araw sa pagpababakuna sa medical frontliners ng kanilang ‘third dose.’
Ang naaprubuhan na maibigay na booster shots ay ang mga bakuna na gawa ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.
Maaring piliin ng healthcare workers ang brand na unang itinurok sa kanila o maari din ibang brand sa una nilang natanggap.
Ang ‘brand mixing’ ay depende naman sa inaprubahan ng gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES