Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng Commission on Higher Education (CHED) na ‘phase-by-phase implementation’ ng ‘face-to-face’ classes sa lahat ng mga kurso sa kolehiyo.
Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesman Karlo Nograles.
Aniya ang CHED ang mangangasiwa at magpapatupad ng programa para sa ligtas na pagbabalik kolehiyo at unibersidad ng mga mag-aaral.
“The IATF yesterday approved IATF RESOLUTION NO. 148-G, which adopts the Commission on Higher Education’s proposed Phased Implementation of Limited Face-to-Face Classes for All Programs under the Alert Levels System for COVID-19 Response of CHED,” ang pahayag ni Nograles.
Nabatid na ang Phase 1 ng pagpapatupad nito ay sisimulan sa susunod na buwan, samantalang ang Phase 2 naman ay ikakasa sa pagpasok ng bagong taon.
Sa ngayon, ang tanging pinapayagan ng CHED na makapagsagaw ang limited face-to-face classes ay ang mga medical courses.