Target na drug personality, arestado sa Bohol

PDEA RO7 photo

Naaresto ng mga awtoridad ang ang target-listed drug personality at kasabwat nito sa isinagawang buy-bust operation sa Dauis, Bohol Lunes ng gabi.

Nahuli ng mga tauhan ng PDEA Bohol Provincial Office, RPDEU 7, at Dauis Police Station sina Gina Dano, 36-anyos, at Jonas Julapong, 42-anyos, sa bahagi ng Sitio Cansumanay, Barangay Tabalong dakong 11:40 ng gabi.

Nakumpiska sa dalawa ang 12 packs ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P47,600, ginamit na buy-bust money, at iba pang ebidensya.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Sections 5, 26, at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...