Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH), katuwang ang Japan International Cooperation Agency (JICA), ang konstruksyon ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) Phase 4.
Layon ng proyekto na maiwasan ang pagbabaha bunsod ng pag-apaw ng Pasig at Marikina Rivers.
Pinangunahan ni DPWH Acting Secretary Roger “Oging” Mercado, kasama si Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, DPWH Undersecretary and Chief Implementer of Flagship Projects sa ilalim ng Build, Build, Build Program Emil Sadain, at JICA Chief Representative Eigo Azukizawa, ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto sa bahagi ng EFCOS Compound sa Barangay Manggahan, Pasig City, araw ng Martes (November 16).
“When completed, this project will protect communities close to Pasig and Marikina River, specifically in areas of Pasig, Quezon and Marikina Cities, as well as Cainta and Taytay Municipalities, Rizal Province,” saad ni Mercado.
Sakop ng ikaapat na bahagi ng PMRCIP ang structural at non-structural measures para maiwasan ang flood damages sa Metro Manila.
Binuo ang 4-Phase Pasig-Marikina River Channel Improvement Project ng DPWH sa pamamagitan ng Master Plan for Flood-control and Drainage Improvement in Metro Manila, kasama ang technical assistance mula sa JICA.
Pinondohan ang buong proyekto sa ilalim ng loan agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng DPWH, at Japanese Government, sa pamamagitan ng JICA.