Naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mababa sa 1,000

Mababa pa sa 1,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (November 16), pumalo na sa 2,819,341 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 25,464 o 0.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 849 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

59.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.9 porsyento ang asymptomatic; 18.61 porsyento ang moderate; 11.5 porsyento ang severe habang 4.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 99 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 45,808 o 1.62 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,393 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,748,069 o 97.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...