4 pasahero ng lumubog na bangka sa Palawan, nasagip

Photo credit: Coast Guard District Palawan

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bantay Dagat ang apat na pasahero ng lumubog na bangka sa karagatang sakop ng Seven Lines sa bahagi ng Isla Sumbrero sa Aborlan, Palawan noong November 12, 2021.

Ayon kay Baldwin Garay, umalis sila sa Puerto Princesa City, Palawan upang mangisda sa Seven Lines dakong 4:00 ng hapon noong November 11.

Ngunit, biglang nawala ang kanilang rudder dahilan kaya nahirapan sila sa malalaking alon hanggang sa unti-unting lumubog ang bangka.

Dinala naman ang mga nailigtas na indibidwal sa Barangay Tagpait Wharf upang mabigyan ng kinakailangang tulong.

Nasa maayos na kondisyon ang apat na indibidwal at nakauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Read more...