Barilan naganap sa loob ng polling precinct sa Abra

crime-scene-e1400865926320Nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa loob mismo ng polling precinct sa bayan ng Lagayan sa Lalawigan ng Abra.

Ayon sa Commission on Elections, batay sa natanggap nilang ulat, nagana pang shooting incident sa Barangay Pangot.

Si Atty. Mae Richelle Belmes-Barolla na election supervisor sa Abra ang nagpa-abot ng impormasyon.

Isang botante ang nasawi sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng mga otoridad ang ulat na ang mga sangkot sa pamamaril ay pawang tagasuporta umano ng mga pulitikong sina Luna at Crisologo.

Ang mga kandidatong alkalde sa bayan ng Lagayan ay sina Jodel Crisologo, Jendricks Luna, Aguinaldo Suben, Antia Seares at Berna Sibayan.

Nagsasagawa na ng follow up operations ang mga pulis para sa ikadarakip ng mga suspek sa pamamaril.

 

Read more...