Comelec Chairman Andy Bautista, nakaboto na

comelec-bautistaNakaboto na rin si Commission on elections Chairman Andres Bautista.

Sa pagbubukas ng polling center sa St. Paul University sa Quezon City alas 6:00 ng umaga ay nandun na si Bautista at kanyang inang si Lita.

May ilang mga botanteng nakapila na rin para bumoto nang dumating si Chairman Bautista.

Bandang alas 7:00 ng umaga nang makaboto ang Comelec chief at wala namang naging problema sa kanyang pagboto

Tumagal lamang ng tatlong minuto ang pag-boto ni Bautista at higit isang minute naman sa pagsubo ng balota sa Vote Counting Machine.

Pagkatapos ay sinuri ni Chairman Bautista ang resibo na siya mismo ang pumilas mula sa VCM at pawang tama naman ang nakasulat dito.

Matapos bumoto, sinabi ng opisyal na masaya siya dahil masaya ang kanyang nanay.

Read more...