Nakaboto na rin ang standard bearer ng Liberal Party na si dating DILG Sec. Mar Roxas.
Si Roxas ay bumoto sa Precinct 722-A sa Legazpi Street, Poblacion 5, Roxas City, Capiz.
Bago bomoto dumaan muna si Roxas sa public market at kumain sa karinderya kasama ang kaniyang mga staff at maybahay na si Korina Sanchez.
Pagkatapos bomoto babalik din si Roxas sa headquarters ng Liberal Party sa Quezon City para i-monitor ang resulta ng halalan.
Samantala, pasado alas 9:00 ng umaga nang dumating sa Tabuco Elementary School sa Naga City si Camarines Sur Rep. Leni Robredo para bumoto.
Pero hindi agad nakaboto si Robredo dahil may problema ang VCM sa polling precinct kung saan siya dapat boboto.
Habang naghihintay na maayos ang VCM ay nakipag-picture na lamang muna si Robredo sa mga naghihintay ring botante.