1.3 milyong doses ng Moderna vaccines dumating sa bansa

 

Aabot sa 1.3 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Moderna ang dumating sa bansa.

 

Dumating ang mga bakuna bandang 9:40 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal .

 

Sa ngayon, nasa 124 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.

 

Mismong si vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang sumalubong sa mga bakuna.

 

Gagamitin ang mga bakuna sa mga eligible na menor de edad at booster doses ng mga health workers.

Read more...