Pagbawi sa Death Penalty Bill ikinatuwa ni Sen. Leila de Lima

Hinikayat ni Senator Leila de Lima ang kanyang mga kasamahan sa Senado na sumusuporta sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa na suriin mabuti ang kanilang posisyon.

Kasabay nito, ikinatuwa naman ni de Lima ang pagbawi ni Sen. Panfilo Lacson sa inihain nitong panukala na layon maibalik ang parusang bitay sa Pilipinas.

“Wonderful that Sen. Ping has changed his position on death penalty. Indeed, it’s far worse to execute, and even just jail, an innocent human being,” sabi ni de Lima.

Noong Nobyembre 8, sumulat si de Lima kay Senate Secretary Myra Villarica at hiniling na ang Senate Bill No. 27 o ang An Act Reinstituting the Death Penalty in the Philippines kung maaari ay hindi na magkaroon ng deliberasyon sa Committees on Committees on Justice and Human Rights at sa Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Pagdidiin nito na sa kanyang palagay sapat na ang paggawad ng parusang habambuhay na pagkabillango ng walang parole sa mga mapapatunayang nakagawa ng karumaldumal na krimen.

Read more...