VP bets Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV, nakaboto na

Cayetano and Trillanes
Inquirer.net amd Kabie Aenlle’s Photo

Nakaboto na sa CP Teresa Elementary School sa Taguig City si vice presidential candidate, Senator Alan Cayetano.

Kasama ng senador na dumating sa eskwelahan ang kaniyang misis na si Mayor Lani Cayetano.

Dalawang beses pang ni-reject ng VCM ang balota ni Cayetano bago ito tuluyang pumasok at mabasa ng makina.

Nang i-verify, tama naman ang lumabas sa resibo.

Samantala, nakaboto na rin sa Holy Infant Montessori Center sa Caloocan City si Senator Antonio Trillanes IV.

Dumating si Trillanes sa eskwelahan bago mag alas 9:00 ng umaga. Naging mabilis lang din ang proseso ng pagboto ni Trillanes.

Samantala, halos dalawang libong botante ang nakatakdang bumoto sa Holy Infant Montessori Center.

 

Read more...