Pangulong Duterte kay Parlade: Hindi ako kontrolado ni Bong Go

Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon ni presidential aspirant at retired military general Antonio Parlade na kontrolado siya ng kanyang long time aide na si Senador Bong Go.

Ayon sa Pangulo, kailangan niya si Go. Pero hindi ito nangangahulugan na kontrolado siya ni Go lalo na sa pagdi-desisyon sa bansa.

Sinabi pa ng Pangulo, si Go ang chairman ng Senate committee on Health and demography kung kaya malaking tulong sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

“Kailangan ko si Bong actually hindi sa lahat — because Bong is the Chairperson sa Senate Committee on Health and Demography. Health kanya eh so mabuti na lang siya nandito. But he does not control anybody, he does not control me, he is here to do his duty na may matanungan tayo kaagad. So iyon,” pahayag ng Pangulo.

Una nang pinabulaanan ni Go ang alegasyon ni Parlade.

Ayon kay Go, hindi na niya papatulan si Parlade.

Sina Go at Parlade ay magkalaban sa pagka-pangulo ng bansa sa 2022 elections.

 

Read more...