Hindi na kailangan na magsuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 1 hanggang 3.
Ito ay base sa memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Nasa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang Nobyembre. 30.
Ipinauubaya naman ng Palasyo sa mga local government units ang pagpapasya ng paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 4.
Nanatiling mandatory ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 5 na pinakamataas na quarantine classification at sa mga lugar na nasa granular lockdown.
Mandatory rin ang pagsusuot ng face shield sa ospital at iba pang medical facilities.
MOST READ
LATEST STORIES