Nakaranas ng power interruption ang ilang polling center sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa Meralco, naapektuhan ng power interruption ang Ransohan Elementary School sa Lucena, Quezon.
Ito ay dahil sa mga poste ng kuryente na naapektuhan ng wildfire sa lugar.
Sinabi ng Meralco na may naitalaga nang generator sets sa eskwelahan at tinatayang alas 11:00 ng umaga ay inaasahang maibabalik ang suplay ng kuryente.
May iniulat din ang Meralco na walang kuryente sa ngayon sa Sampaloc II Elementary School dahil sa problema sa laodside breaker.
Inaalam pa ng Meralco kung anong oras maibabalik ang kuryente sa nasabing paaralan.
MOST READ
LATEST STORIES