Paliwanag ng mambabatas, layon nitong makapagbigay ng economic relief sa mga konsyumer na umaaray sa pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
“We are counting on consumer spending to contribute in a big way to the country’s economic recovery from the COVID-19 crisis in the years ahead,” pahayag ni Defensor at aniya pa, “We want that spending to be energized by a lengthened suspension of the collection of the increase in fuel excise taxes.”
Sa House Bill No. 10411, ipinanukala ni Defensor ang pagsuspinde ng pagkokolekta ng higher excise tax sa gasolina, diesel, kerosene, at iba pang oil products, alinsunod sa Section 43 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, hanggang December 31, 2024.
“We want the government to sacrifice the increase in fuel excise taxes so that the consumers will get to keep billions of pesos in their pockets for their own spending,” saad ng kongresista.
Dagdag nito, “The government can always resort to more borrowing to sustain its own spending, but ordinary consumers cannot do the same.”
Sa ngayon, nasa P10 ang excise tax sa kada litro ng gasolina, P6 naman sa kada litro ng diesel, at P5 sa kada litro ng kerosene.