Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan at Shearline sa Northern Luzon.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Chris Perez, dahil sa dalawang weather system, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Cagayan, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at Apayao.
Samantala, sa Silangang bahagi naman ng Visayas, Caraga, at Davao region, magiging maulap din ang papawirin na may pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dahil sa namataang Low Pressure Area (LPA).
Nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang naturang sama ng panahon.
Sa natitirang parte naman ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon ngunit may tsansa ng pulo-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.