Tatakbo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador para sa 2022 national elections.
Sa huling araw ng substitution, naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang pangulo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila sa pamamagitan ng kaniyang legal representative na si Atty. Melchor Aranas.
Kasunod ito ng pag-withdraw ni Liezl Visorde mula sa Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador.
Matatandaang kamakailan lamang nagpahapyaw ang pangulo na tatakbo siya bilang bise presidente.
MOST READ
LATEST STORIES