Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 15), pumalo na sa 2,818,511 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 27,025 o 1.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,547 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
61.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.9 porsyento ang asymptomatic; 17.59 porsyento ang moderate; 10.8 porsyento ang severe habang 4.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 128 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 45,709 o 1.62 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,601 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,745,777 o 97.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.