Ito ang ibinahagi ni Interior Sec. Eduardo Año matapos kumpirmahin ni MMDA Chairman Benhur Abalos na nagpositibo ang isang dalawang taong gulang na bata matapos mamasyal sa isang mall.
Ngunit paglilinaw ni Año, inaalam na nila na ‘false positive’ ang resulta ng rapid antigen test ng bata.
Diin niya, maaga pa para sa mga konkretong konklusyon bagamat aniya ang positibo sa pangyayari ay may pag-aaralan ang mga awtoridad.
Dagdag pa niya, patunay lang ito na kailangan pa rin ang istriktong pagsunod sa health protocols at para naman sa mga magulang na ingatan ang kanilang mga anak kung dadalhin sa mga matataong lugar.
Paalala lang niya, hindi dapat maging kampante dahil nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19 at aniya, bumaba lamang ang mga kaso.