Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 254.03 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 254.03 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 254,039,770 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 47,916,190 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,447,536 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,957,967 naman ang kaso sa Brazil habang 9,561,099 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,070,674
– Turkey – 8,408,166
– France – 7,287,645
– Iran – 6,037,718
– Argentina – 5,305,742
– Spain – 5,047,156
– Germany – 5,038,436
– Colombia – 5,031,945

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,115,362 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 229,712,507 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...