Nagsabi din aniya sa kanya si Go na aatras na lamang sa ‘vice presidential race.’
“Umiiyak si Bong. Sabi ko wag kang umiyak, sabi ko bakit ka iiyak. Ayan oh bukas ang president, tumakbo ka,” kuwento pa ni Pangulong Duterte.
Sinabi pa nito; “nagbigay ako sa kanya ng guidance, sabi niya tatakbo si Inday. Magwi-withdraw na lang siya, ayaw na niya. Eh sabi ko bakit nag-umpisa ka na. Eh di tumakbo ka lang ng president eh ganun naman pala ang gagawin sa ‘yo eh, kasa ka na.”
Pagtitiyak pa ng Punong Ehekutibo na buong-buo ang suporta niya Go.
“Wala itong ginawang hambog na kuwento na kaya niya. Pero alam ko sa taon na nagserbisyo siya sa akin, alam ko isang ano is…talagang honest,”dagdag pa ni Pangulong Duterte patukoy kay Go.
Sinabi pa nito na hindi niya suportahan sina Vice Presidente Leni Robredo at dating Sen. Bongbong Marcos dahil sa pagiging ‘pro communists’ ng dalawa.
Kahapon, sinamahan pa ni Pangulong Duterte si Go sa pag-withdraw sa kanyang vice-presidential bid sa Comelec ngunit naghain ng COC sa pagka-pangulo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), na kaalyado ng PDP – Laban.