3,140 karagdagang gumaling, 309 namatay sa COVID 19

Ngayon araw ng Linggo, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na karagdagang 1,926 COVID 19 cases ang naitala sa bansa.

Ayon pa sa kagawaran, 3,140 ang naiulat na gumaling sa sakit, samantalang may karagdagag 309 naman ang namatay.

Sa ngayon, may 28,102 aktibong kaso sa bansa, samantalang may 2,743, 297 o 97.4 porsiyento ng kabuuang bilang na 2,816,980 ang gumaling na.

Umakyat naman sa 46,581 o 1.62 porsiyento ang namatay.

May 25 duplicates ang inalis sa kabuuang bilang at 24 sa kanila ang nakarekober.

Samantala, may 245 na unang napa-ulat na ‘recoveries’ ang nadiskubre na namatay pala matapos ang final validation.

Read more...