Tinuldukan na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga espekulasyon kung tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 national elections.
Nagtungo si Atty. Charo Munsayac sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila para maghain ng certificate of candidacy ni Duterte sa pagka-bise presidente.
Tatakbo si Duterte sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrat na partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Papalitan ni Duterte si Lyle Uy na nagtungo sa Comelec para i-withdraw ang kanyang kandidatura.
Matatandaan na noong Martes, iniurong ni Duterte ang kanyang pagtakbong muli bilang mayor ng Davaao. Araw ng Miyerkules, nagbitiw si Duterte bilang chairman ng regional aprty na Hugpong ng pagbabago at noong Huwebes ay nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD.
Hindi naman pa tinukoy ng kampo ni Duterte kung si presidential aspirant at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.