1.27 milyong doses ng Moderna vaccines dumating sa bansa

Aabot sa 1,279,000 doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Moderna ang dumating sa bansa.

Dumating ang mga bakuna, kaninang 10:00 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Nabatid na binili ng pamahalaan ang mga dumating na bakuna.

Agad na ipamamahagi sa ibat ibang probinsya ang mga bakuna.

Mismong sina National Task Force against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor at US Embassy Political Counselor Kenneth Gardner ang sumalubong sa mga bakuna.

 

Read more...