Roque talo sa International Law Commission

Bigo si Presidential Spokesman Harry Roque na mahalal bilang miyembro ng International Law Commission.

Ito ay matapos makakuha ng 87 na boto mula sa 191 na miyembro ng ILC.

Ayon kay Roque, isang challenging campaign ang kanyang kinaharap sa ILC.

“My candidature at the ILC was a challenging campaign throughout but we met it head on. Unfortunately, we did not succeed. I thank President Rodrigo Roa Duterte, for his nomination and unwavering support of my candidature,” pahayag ni Roque.

Matatandaang tinutulan ng University of the Philippines at ilang human rights group ang nominasyon ni Roque sa ILC.

“I thank the Department of Foreign Affairs, and the officers and staff of the Philippines’ Permanent Mission to the United Nations, for their steadfast professionalism and support,” pahayag ni Roque.

Kahit bigo, sinabi ni Roque na itutuloy pa rin niya ang kanyang mga adbokasiya gaya ng pagkakaroon ng vaccine equality at iba pa.

“I wish the new members of the ILC success, especially as they tackle challenging issues such as rising sea levels and vaccine equality – issues which I will continue to advocate for as well,” pahayag ni Roque.

Base sa talaan, nahalal sa ILC ang kinatawan ng India na may 163 na boto, Thailand na may 162 na boto, Japan na may 154 na boto, Vietnam na may 145 na boto, China na may 142 na boto, South Korea na may 140 na boto, Cyprus na may 139 na boto at Mongolia na may 123 na boto.

Hindi naman nakapasok ang kinatawan ng Lebanon na nakakuha lamang ng 119 na boto, Sri Lanka na may 112 na boto at si Roque ng Pilipinas na may 87 na boto lamang.

 

 

Read more...