Hindi na obligado ang pagsusuot ng face shield sa Muntinlupa City.
Base sa Ordinance No. 2021-290, hindi na kailangang magsuot ng face shield sa labas ng tahanan at anumang pampubliko o pribadong establisimyento, maliban sa mga ospital at clinic.
“For the purpise of this Ordinance, hospital refers to a health care institution that is built, staffed and equipped for the diagnosis of diseasw, for the treatment, both medical and surgical, of the sick and the injured; and for their confinement. This covers the hospital building and other areas witihin its premises where the hospital staff and/or patients may be found,” saad pa rito.
Napagtibay ang naturang resolusyon noong November 9 ngunit nitong Biyernes, November 12, inilabas sa media.