Albay Gov. Joey Salceda bumoto habang nakasuot ng T-shirt na may pangalan ni Poe

Photo from Inquirer National
Photo from Inquirer National

Nakuhanan ng larawan si Albay Governor Joey Salceda na nakasuot ng kulay puti na T-shirt na may pangalan ng sinusuportahan niyang kandidato habang bumoboto.

Alas 6:42 ng umaga nang dumating sa polling precinct si Salceda para bumoto.

Pero kapansin-pansin na nakasuot ito ng puting T-shirt na may nakasulat na “POE”.

Simula kahapon ay mahigpit nang ipinagbabawal ang pangangampanya at bawal na rin ang pamamahagi ng anumang campaign paraphernalia.

Lalong bawal ang mga campaign materials sa mga polling precincts.

 

Read more...